working mom

Mahirap talaga pagsabayin ang paggiging mother at employee. Pero madami din ang gumagawa nito dahil ito ang mas practical. Bukod sa kinikita ng hubby ko, nakaktulong din ako sa mga gastos sa bahay, own expenses at responsibility ko sa side ko. Kung di ako magttrabaho, pagkakasyahin lang namin ang kinikita ni hubby at malamang sa malamang, di ko na mabili ang mga gusto kong bilhin or should i say mga luho ko. Konti lang naman, but I like to buy dresses and make ups. Gusto ko din mag pa massage kahit once a month at magpaparlor. hihii. Recently, nadiscover ko na I love to travel pala. Kung di ako magwowork baka twice a year na lang ako makapag pamasahe at makapagtravel dahil uunahin ko na ang mga mas importanteng pagkakagastusan like education ni JP, food, bills, apartment rentals at maraming pang iba.

Masaya magtrabaho. Of course you'll get to feel your own money... Kahit every pay day makakabili ka ng mga bagay na makakapag pasaya sayo. Minsan kasi nakakahiya if magpapabili pa ako kay hubby ng make up diba? hehe. Bukod pa dun, di ka mabobore sa bahay. So para malibang libang ka naman at di malosyang :) mag work ka na lang.

E pano naman if ganito ang scenario, gugustuhin mo pa bang maging working mom?

1. Yaya > Gustong gusto mag leave ni yaya pero wala pa naman syang kapalit. Di naman pwedeng maiwan lang ang anak ko kung kanino. Dapat pakisamahan si yaya para di lumayas. Mega utuin kung kinakailangan at pakisamahan ng todo. Pano ako makakapasok sa work kung walang yaya aber?

=>> Di sana ito magiging problema if stay at home mom ako. Ako na lang sa lahat ng gawain sa bahay. Araw-araw kaming magbobonding ng anak ko. Di magiging problem ang yaya kahit walang yaya ok lang..

2. Traffik > 1.5 hrs and byahe papasok and another 1.5 hrs pauwi.. duh.. 3 hours ang paglalakbay ko.. grabeng traffik. Dun palang e drained na ang battery ko. Low bat na ko pagpasok at bat empty nakong uuwi.. Kung marunong lang sana ako magdrive baka 30mins lang e nasa office nako, ganun din pag uwi. Sakit ng katawan ko..

One time, bukod sa traffik e ang hirap pa sumakay. Gusto ko nang magpasundo kay hubby nun. Naiiyak na ko. Wala akong load at walang pay phone. Puno lahat ng jeep at ayaw ako tanggapin ni manong taxi driver. Sobrang gusto ko na humilata sa daan at umiyak. Pagod na pagod ang katawan ko.. waahhhh.. pag naalala ko naiinis pa din ako at gusto ko ulit umiyak sa galit.. Hayysss.. Buti na lang at may mabuting taxi driver ang tinanggap ako and drove me home safely.. Pag uwi ko.. iyak ako kay hubby.. waaahhhh

3. Di pa masyandong disaster ang #1 at #2. Pangatlo at pinaka hate ko sa pgttrabaho e ang trabaho ko. You read it right, hate ko ang trabaho ko. Actually ok naman sana. Almost perfect na ang work ko. Praise God din po dahil may work ako with good compensation.. :) By the way kung di nyo naitatanong e isa po ako CSR. Ehem.. anyway., our company is doing great. Laki ng revenue at bonggang bongga ang datung dito. Plus plus plus pa ang mga di maawat na out of town trips na super bongga din ang package. To give an example, nag company outing kami sa shangrila cebu. bongga ang room 2 pax / per room at bongga din ang food. well well well.., san nga ba ako makakahanap ng company like ours.. heheh Nasabi ko na ba ung bonuses namin??? Kung sa iba 13th month lang ang hinintay nila buong taon.., kami 3x ang bonus at ang basic mo imumultiply nila sa 6 or 10 depende sa performance.. Ang galing dba? :)

Bakit nga ba anko nag rereklamo sa trabaho ko? well tama kayo, ano nga ba nirereklamo ko? Hayysss.. simple lang naman...
1. Sobrang higpit sa department namin. Kami lang ata sa buong company ang di masaya sa Head namin. :( sad.. Pinapahirapan kami. Gusto ata e magsiresign kami sunod sunod.. Grabe.. Ang amo namin sa deapartment parang bagyo di mo alam kung kelan lalakas o kelan hihina. Bagyo sya for me kasi di naman sya mabait, likas syang masama ang ugali. dahil masama ang ugali nya, mahilig syang mag power trip. Pagttripan nya muna ung mga Sup namin, tapos yung mga sup namin pagttripan din kami. Hahanapan ka ng butas kahit everything seems to be perfect, para sa knya isa kang malaking X. Kapag nasa opisina sya, lahat ng tao sumasama din ang ugali. Kaming mga walang position, kami ang sobrang naapektohan. nakakainis. Imagine mo papasok ka sa opisina na nakasimangot dahil di mo magugustuhan ang mga taong makikita mo. hayyss.. konting pagkakamali lang ay mamatay ka sa HAY NAKU, haysss.., buntong hininga nilang malakas.. Manlilit ka sa sigaw nila at mawawala ka sa sarili sa mga titig nila.

> Bawal ang tanga samin. Meaning dapat alam mo ang nangyari sa pervious shift nyo. dapat tama ang endorsement. Pag may tinanong silang di mo alam.. lintek lang walang latay.. :(

> Bawal din ang magaling > Dahil kung magaling ka, dapat alam mo lahat. Dahil di mo naman pwedeng malaman lahat, therefore tanga ka pa din sa kanila.

> Bawal maging burara> Lagot ka pag may nawalang bagay sa opisina, ultimong gunting at ballpen na silver..

> Bawal mag break > kahit walang customers bawal mag break.. period
> Bawal mag leave > haysss.. oo bawal mag leave pag sila may planong mag leave di ka pwede maki join sa date na yun or month na yun.. next month ka n lng mag leave.

> Bawal ang matanong > masisigawan ka pag tinanong mo ulit ung tanong mong nasagot na nila months ago. Walang ulitan sa pag tatanong.
> Dapat lagi kang may suggestions pag meeting.. Pero lagi nila itong irereject dahil power trippers sila.

Madami pang iba, basta isipin nyo n lang para kayong elementary students. Opo mam ng opo mam. ganun lang, ganun parati.., wala kang magagwa kundi mahighblood na lang tapos pakalamahin ang sarili.

Dahil nga maganda ang company namin, i learned the art of being an Orocan.. Tatawa na lang ako kahit masama loob. Ngingitian sila kahit mabigat sa dibdib. Ganun talaga e binayaran ata kami dito para pag tripan. Ang gaan lang kay ang work namin, pinapabigat lang nila, para nman may thrill. heheh

Eto pa, pag katapos pasamain ang loob mo, manlilibre naman sila ng starbucks, pizza, lunch, dinner etc. Nakakaloka no.. hayysss...


Gusto ko na sanang magstay sa bahay, maging full time mom, pero dahil praktikal na ngayon, titiisin ko na lang ang mga amo ko. So kalma lang ako mag uuwian na din naman.. hayyss.. sana walang trafk pauwi kundi iiyak nnmn ako nito sa daan.

Comments

Anonymous said…
bebe,di ko alam na may blog ka..hehe..ayan finallow na kita..alam mo namang join force tayo eh.. labyu.. relax ka lang
Sherlyn Cadizon said…
hahha love you ice.. ^^