Gusto ko na pumyat!

Naiinis nanaman ako sa sarili ko. Ang diet na di matuloy tuloy. Hayysss nakakagalit.. Wala naman akong ibang kaaway kundi sarili ko lang.. Hayyss... ang sarap kasi kumain.. pero after, nagiguilty ako.. :((

Kelan ba kasi ako papayat???.. Sana ganun lang kadali magpapayat. Tipong pag gising mo payat ka na.. Pero it takes a lot of patience and discipline to achieve your desired weight. Ang hirap kasi, wala akong pasensya,, di ko mapag pasensyahan ang kanin, laging mainit ang ulo ko sa kanya. Gusto ko laging nauubos ang bandehado every meal, ayoko ng may natitirang kanin.. Disiplina, wala din ako nyan, pag masarap na ang ulam talo talo na.. Kung tutuusin, walang mahirap dun. Buti nga may nakakain diba? Yung iba walang makain.. pero pero pero sana matutunan kong magcontrol.. :((

Gusto ko na talagang pumayat. Walang kahit ano mang ulam ang makakapigil sakin, kahit kare-kare pa sya.. :(( Hahabaan ko na ang pasensya ko sa kanin, at piliting wag uminit ang ulo sa knya.. Please... Kailangan ko na tlga pumayat.

Sumasakit na ang katwan ko sa kakasuot ng masisikip kong pants at undies.. parang gustong gusto kumawala ng bilbil ko at malalaking hita e.. haysss.. Lord help me po.. Gusto ko na talaga pumayat... :((

Comments