Vacation Leave :(



Nanakit na naman ang dibdib ko sa napipintong pagka-disapprove ng Leave ko for August.

Una sa lahat, naranasan ko na ito last January, family vacation namin yun sa Singapore. Di rin iyon naapprove kasi Chinese New Year yun at madami ang magttake ng Leave na expats. Sobrang sama ng loob ko noon dahil nung pinlano namin yun e di ko naman alam na bawal pala mag leave sa ganung okasyon. I asked for consideration, several times, but the answer was still no. Para akong nagmmakaawa sa kanila, ang mahirap pa nun, sa wikang English ako nag ppaliwanag at nagmmakaawa. Mahirap na nga magmakaawa, dumugo pa ilong ko sa kakaexplain in English. Sila din namin, duguan kakasagot sakin sa salitang English.. heheh patas lang ang laban., pero at the end ako ang talunan.. Umiyak ako nun sa sobrang pagka pikon... Ilang araw din ako nagmakaawa, ilang gabing di ako nakatulog.. Sayang ang ticket.., sayang ang plano... Napatunayan ko lang kung gaano katigas ang mga puso nila. Sobrang bato..



Pero dahil masasama ang ugali nila, nagawan ko yun ng paraan.. Nagkaron ako kuno ng karamdaman.. hehe at natuloy din ang bakasyon.. ^^

Heto nanaman, nararamdaman ko na naman yung pagkabalisa.. lol.. Nagbabalik nanamn sakin ang pait.. Malapit na mag August pero mukhang malabo nanaman ang bakasyon na ito. Pano ba naman may bagong memo, bawal mag Leave ng weekends pag Night Shift ka.. Syet! Night Shift ako sa August! grrrr!!! Nanganganib na namn ang bakasyon ko! Magiging abala nanamn ako sa pag reresked ng airticket, sa pag mamakaawa., hayysss.. Grabe Lord change their hearts!

Sayang ang pera ko, pambili ng lobo, kung pagkain sana nabusog pa ako.. :(

Pero pero pero.., may ilang bwan pa para magawan ito ng paraan., may 3 bwan pa para magbago ang lahat, sana lumambot ang puso ni Ugat.. :(

Comments