Stressed to the highest level!!!


Nakakainis yung pakiramdam na ayaw mo na pero di mo magawan ng paraan. Yung tipong di ka na masaya sa ginagawa mo, walang growth, walang excitement... Ganyan ang narrmdamn ko ngayon. Ayoko na sa trabaho ko.. gusto ko na umalis, pero di ko magawa kasi kailangan ko ng pera.

I want to slow down and forget about the worries. Gusto ko mag bakasyon or stay at home with my hubby and son, but that's way too hard. Hindi madaling maging unemployed sa panahon ngayon. Ilan nga ba ang mga walang trabaho ngayon, siguro madaming ggustuhin ang position ko kung mag resign man ako ngayon kasi bukod sa mataas ang sweldo 3x a year pa ang bonuses, dahil nga mataas ang sweldo, ang hirap naman ng trabaho. Chekwang boss, masyadong matatalino, sobrang bastos. oh well, kala ata nila mga bobo kaming pinoy.. Sige na, sila na matatalino, sila na da best! Tinitiis lang namin dahil sa pera.., san ka ba naman makakakita ng company na ganito. pag titiisan mo lang ang mga pagmumukha nila, makkipag plastikan ka lang at susunod sa gusto ni Amo, maghihintay ng ilang bwan.. oppss bonus nnamn!!! Malaking ngiti ng bawat isa, pero ayaw ng Boss ko na masaya kami, iisip sya ng paraan para maging impyerno ang trabaho namin.,

Magffile ka ng leave tapos di nila iaaprove., bawal mag off/VL ng weekends, bawal mag Emergency leave, bawal ang celphone (surrender mo sa TL pag kapasok), bawal mag yosi break, bawal mag break pag bc, bawal mag kasakit ng 3 consecutive days (ippasundo ka sa driver para dalhin ka sa ospital), kailngan 2 days k lng may sakit at dapat malubha ah.

Konting pag kakamali, big deal na sa kanila. Kulang na lang matunaw ka sa kinkaupuan mo kakasigaw nila, sabay mag sasalita ng chekwa (baka minumura nako nun ah).., sabay banat ng "No EXCUSES, No more Next time!, u understand me or not?"... Hayy buhay...

Gagawa ka ng report na approved nila, pag pina check mo ulit, ayun na.. "Palitan mo nga ng kulay, tanggalin mo ito, idagdag mo ito.. " Di nila alam, yung mga formula sa excel e napaka hirap palitan. Maya't maya iaamend ang mga procedures, maloloka na kami kakahabol ng mga gusto nila. Susunod ka na lang para di ka masigawan.., ang TL, susubukan ka kung alam mo talaga ang mga procedures, tatanungin ka ng tatanungin ng paulit ulit, hanggang sa kahit alam mo ang sagot, malilito ka na lang sa kkaulit nila.. sabay tatanungin ka "U sure ah.., confirmed ah? If this is wrong you die lah".. :(

Ang daming dahilan kung bakit gusto kong mag resign, pero mas maraming dahilan kung bakit kailangan ko magtrabaho.,.. ang lungkot, pero salamat sa Dyos at meron pa din akong trabaho.. Siguro kasama na din sa Job description ko e pagtyagaan ang ugali nila.

Comments

Anonymous said…
we're on the same boat girl..well-compensated nga lang kayo which is MAS angat ka syempre.. Ok na rin yan,pagtyagaan mo na lang mga chekwa mong boss.. made-dedz din sila..hehehe
Sherlyn Cadizon said…
Hi ice.. natawa naman ako dun.. hehe.. sabagay karma karma lang yan.. ^^
Sherlyn Cadizon said…
Bakit ko ba narepost ito? hmmm