Freedom!!!


Last day ko sa department namin last 24th of March. Finally, na-approve na din ng amo ko ang pag lipat ko sa ibang department.

Last month, kinausap ako ng pinaka mataas naming boss, nakiusap sya na kung maaari ay lumipat ako kasama ng iba pa sa ginagawa nyang project. Lahat kasi kami ay may background sa Casino. Flash back: since 2005, casino na ang trabahong napasukan ko. First job ko yun pagkatapos ng college graduation. Naging Dealer ako for 2 years tapos nag Pitboss ng more than a year. After nun e nag CSR nako pero casino pa din ang produkto. Pitong taon na pala ang nagdaan at nahiyang pala ako sa pagcacasino ko. :)

Siguro di na lingid sa kaalaman ng marami, na napakabait ng amo ko. Kaya tuwang tuwa ako na pumayag syang ilipat ako. Di pa ako makapaniwala sa una na pumayag sya dahil napakareasonable nyang tao. Siguro dahil na din mas mataas sa kanya ang nag request kaya di na nakatanggi. O di kaya may divine intervention na naganap hahah.. Pero sa totoo lang nagpapasalamat ako sa kanya dahil pumyag sya. Sa lahat ng leksyon na ibinahagi nya, sa lahat ng trauma na dinulot nya samin,  sa mga VLs na nadisapprove nya, sa mga kwentang policies na ginawa nya: walang sisidlan ng tuwa ang nadarama ko ngayon.

Tunay nga na ang Dyos ay di natutulog, narrinig nya ang mga panalangin natin. Matagal ko din dinasal ito pero   heto ngayon lang din nadinig, in God's perfect timing sabi nga nila. ^^ No more stressful days., kahit ano pang workload yan kakayanin ko kasi walang kasing busy sa department ko dati. Sisiw na lang to ngayon! :)

Paglipat namin parang nabunutan kami ng tinik., grabe parang kaming nakalaya after 3 years! Di na nga ako sanay mag break e.. hahaha Tapos pag sa gabi nananaginip pa din ako na dun pa din ako sa dati kong work, bangungot! :))

Thank God talaga sa himala.. :))


Comments